Manila, Philippines – Duda ang ilang kongresista sa binuong Presidential Anti-Corruption Commission sa ilalim ng Executive Order na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Magdalo PL Rep. Gary Alejano, nakakaduda ang timing ng pagbuo ng PACC lao pa`t kasalukuyang iniimbestigahan ang Presidente ng Office of the Ombudsman hinggil sa mga bank accounts nito.
Maituturing din na self-serving ang binuong bagong komisyon at isang paraan para takutin at patahimikin ang Ombudsman na nakakabanggaan ngayon ng Pangulo.
Nagiging `redundant` din ang PACC dahil pareho lamang ng functions nito ang tungkulin na ginagampanan ng Ombudsman bilang isang independent constitutional body.
Giit pa ng kongresista, napaka-ironic ng ginawa ng Presidente dahil wala naman aniyang moral ascendancy ang Pangulo sa paglaban sa korapsyon gayong ito ay nahaharap din sa isyu ng katiwalian.