Kongresista, duda sa sinseridad ng pangulo sa pagbuhay ng peace talks

Manila, Philippines – Pinagdududahan ng Kabataan Party list sa Kamara ang sinseridad ni Pangulong Duterte matapos ihayag na nais nitong buhayin ang peace talks sa mga rebeldeng komunista.

Ayon kay Kabataan Rep. Sarah Elago, mukhang panibagong flip-flopping statement nanaman ito ng Pangulo dahil nauna na nitong sinabi na gastos lang ang peace talks kasunod ang pangakong buburahin ang New People’s Army bago magtapos ang 2018.

Malinaw na nakadepende umano sa mood ng Pangulo ang paninindigan nito, indikasyon ng kawalan ng sinseridad.


Ito umano ay mabigat na insulto para sa mga nakipaglaban para sa kapayapaan sa mahabang panahon.

Hinamon naman ng Kabataan Party list ang Pangulo na kung tunay na ang intensiyon nito na bumalik sa negotiating table ay dapat palayain ang mga political prisoners.

Facebook Comments