Kongresista, hiniling ang pagsasagawa ng joint military patrol sa West Philippine Sea

Inirekomenda ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang pagsasagawa ng joint military patrols sa West Philippine Sea matapos mabangga ng isang Chinese vessel ang fishing boat ng mga Pinoy sa Recto Bank noong Hunyo 9.

 

Kinalampag ni Zarate ang Coast Guard na kumilos at mas iparamdam ang presensya sa West Philippine Sea upang maprotektahan ang mga mangingisda.

 

Iminungkahi din ng kongresista na makipagtulungan sa Vietnam, Malaysia at iba pang claimant countries para sa joint patrols upang mapigilan ang agresibong hakbang ng China.


 

Samantala, pinasalamatan naman ni Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago ang Vietnam sa agarang pag-rescue at iginiit na kailangang panagutin ang China sa insidente.

 

Nanawagan naman si Anakpawis Rep. Ariel Casilao na magisyu ang Pangulo ng national condemnation laban sa China at huwag hayaang ipagsawalang bahala ang nangyaring insidente.

Facebook Comments