Lolong masayang nagbebenta ng tinapay sa footbridge, viral

59
Image via Benj Samson on Facebook

Umani ng papuri sa mga netizen ang larawan na ibinahagi ni Benj Samson ng isang lolo na masayang nagtitinda ng tinapay sa footbridge sa North Avenue.

Ayon sa kaniyang Facebook post, “If you see Lolo on the footbridge of SM North Edsa, buy from him pleases even if you don’t need to. Hardworking and good people like him deserves much more.”


Hindi alintana ang katandaan, ngunit masayang nagtitinda ang lolo ng mga tinapay na ikinaantig puso ng mga netizen.

Pinangako naman ng mga netizen na bibili sila ng tinapay rito sakaling mapadaan sa nasabing footbridge.

Ani ng isang netizen, nakita niya raw ang lolo na kumakain sa karinderya at mayroon ding madalas nang bumibili sa kaniya.

Sinabi rin ng isang netizen na lagi niya itong inaabutan kapag dumadaan siya rito.

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 11,000 reactions, 944 comments at 54,000 shares.

Facebook Comments

From Advertisers