Sinusuportahan ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda ang naunang panawagan ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu na magdeklara na ng climate change emergency.
Bunsod na rin ito ng matitinding kalamidad na tumama ngayon taon sa Pilipinas.
Giit ni Salceda, kailangan pa ng mas agresibong climate adaptive at resilient development.
Dati pang inihain ng kongresista ang House Resolution No. 535 para sa deklarasyon ng disaster at climate change emergency sa bansa.
Panahon na rin aniya para magcommit ang Pilipinas sa foreign policy na nagsusulong ng climate justice mula sa pinakamamalaking polluters sa buong mundo.
Facebook Comments