Isolation facility sa Las Piñas, binuksan na!

34

Bukas na ang COVID-19 isolation facility sa Las Piñas City.

Sa pangunguna ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary at Isolation Czar Mark Villar at Las Piñas City Mayor Imelda Aguila ay pinasinayaan ang pagbubukas ng pasilidad.


Nasa 26 container vans ang na-convert para maging fully-airconditioned hospital rooms na kayang mag-accommodate ng 90 COVID-19 patients.

Mayroon ding nurse station para naman sa health workers.

Tinitiyak ni Sec. Villar na nakasunod sa DPWH standard design ang pasilidad base na rin sa Department of Health (DOH) guidelines kung saan may proper ventilation at hiwalay na bath and toilet sa bawat kwarto.

Facebook Comments