Kongresista, hinimok muli ang Pangulong Duterte na itigil ang airstrike sa Marawi; pondo na ginagamit sa bomba, masyado nang malaki

Manila, Philippines – Iginigiit ni ACTS Teacher Rep. France Castro ang panawagan kay Pangulong Duterte na ipatigil na ang airstrike sa Marawi City.

Ayon kay Castro, nakaka-tatlong bilyong piso na ang gastos ng militar sa giyera sa Marawi.

Masyadong malaki anya ang nauubos na pondo para pa lamang sa bombang ginagamit dito.


Base na rin sa paliwanag ng AFP sa budget hearing, 323,000 ang presyo ng bawat isa sa bombang ginagamit sa airstrike.

Nakaka-dalawang libong bomba ng nagagamit ang militar sa airstrike sa marawi mula nang umpisahan ang opensiba laban sa Maute group.

Sinabi ni Castro na nakakapanghinayang ang salaping ito samantalang maraming sektor ang nangangailangan ng ayuda ng gobyerno.

Facebook Comments