Sa gitna ng patuloy na relief operations bilang pagtugon sa krisis ng COVID-19, humarap sa publiko sa Maynila si Congresswoman Rida Robes ng San Jose del Monte (SJDM) City, Bulacan matapos niyang matapos ang kanyang self-quarantine matapos na ma-expose s’ya sa ilang mga pulitiko na naging positive sa COVID-19.
Ibinahagi ni Congresswoman Robes ang kanyang personal na karanasan upang hikayatin ang mga tao na maging responsable at kusa rin na sumailalim sa self-quarantine at social distancing kung sila ay na-expose sa mga positive para sa COVID-19.
Dinetalye din ng kongresista kung paano nila isinagawa ang mga habang nilagay sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang SJDM.
Aniya, siya at ang kanyang asawa na si San Jose del Monte Mayor Arthur Robes ay sumailalim sa self-quarantine at ang kani-kanilang staff ay nagtatrabaho gumamit ng isang three-point framework.
Kahit aniya naka-quarantine sila bumuo sila ng resolusyon para magamit agad ang calamity fund ng SJDM kasabay ng Pakikipag-ugnay sa frontlines, kabilang na ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) tungkol sa pag-set up ng checkpoints alinsunod na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagpapatupad ng ECQ.
Gayundin ang Pagpapatupad ng mga programa sa rehabilitasyon upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga tao, lalo na ang mga may-ari ng maliliit na negosyo at matulungan ang halos 69,000 na indigent sa SJDM.
10,910 na ang nakatanggap ng relief packs at Sa second wave, 58,060 katao ang naabutan at third wave 145,000 na kabahayan ang mabibigyan
Ikinuwento rin ng mambabatas ang sakripisyong pinagdaanan nila ng kanyang anak nang ilang araw silang hindi magkasama at tiniis ang pananabik ng kanyang anak na siya ay mayakap.