Naniniwala si House Committee on National Defense and Security Vice Chairman at Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na mainam pa rin na may batas na susuporta sa polisiya ng paggamit ng mga otoridad ng body cams.
Ang rekomendasyong ito ay kasunod ng inilabas na guidelines ng Korte Suprema sa paggamit ng mga law enforcers ng body cameras sa pagsisilbi ng search at arrest warrants.
Nagpapasalamat naman ang kongresista sa inilabas na rules ng Kataas-taasang Hukuman at sinabing welcome ang hakbang na ito lalo na sa operasyon ng mga otoridad.
Ayon kay Biazon, ang rules na inilabas ng Supreme Court sa paggamit ng body cams ay pananggalang na rin para maiwasan ang mga pang-aabuso at ang footage na makukuha rito ay maaaring magamit sa korte bilang isang matibay na ebidensya.
Magkagayunman, mas makabubuti aniya kung mai-institutionalize ang polisiya upang mas matibay ang batayan sa tamang paggamit ng mga law enforcers ng body cams.