Manila, Philippines – Walang ‘Marcos-Marcos’ pagdating sa batas.
Ito ang tiniyak ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Johnny Pimentel na walang sinuman ang makahihigit sa batas.
Ito ay matapos na ilang beses na hindi humaharap sa pagdinig si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos kaugnay sa kwestyunableng paggamit ng mahigit 60 million na tobacco funds na pinambili ng mga behikulo ng Ilocos Norte.
Paliwanag ni Pimentel, malinaw na may nilabag at may pananagutan sa batas si Gov. Marcos.
Giit ni Pimentel, hindi magawang humarap ni Imee sa mga mambabatas na isang pagpapakita aniya na guilty sa anomalya ang gobernadora.
Aminado si Pimentel na hindi basta-basta ang kanilang aarestuhin dahil makapangyarihan at galing sa maimpluwensyang pamilya ang mga Marcos.
Pero ipinangako naman ni Pimentel na kung haharap si Gov. Marcos ay hindi naman ito ipapa-cite in contempt o ipakukulong.
Kanina ay ipinasilip ni Pimentel ang magiging detensyon ni Gov. Marcos sa loob ng Batasan pati ang kulungan ng Ilocos 6.