Sanggol, inabandona sa CR sa NAIA

Manila, Philippines – Isang sanggol ang inabandona sa isang basurahan sa loob ng comfort room sa arrival area ng NAIA 1.

Ang naturang sanggol ay natagpuan ni Maricel Guliman, Building Attendant sa CR 211 ng paliparan.

Agad naman na rumesponde ang Medical Team ng Manila International Airport Authority at ni-revive ang bata.


Dinala na ang bata sa Pasay City General Hospital para matutukan ang kalusugan nito.

Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na isang babae ang huling nakita ng janitress ng airport na naghuhugas ng panyo sa cubicle ng palikuran.

Ipinag-utos na ni MIAA General Manager Ed Monreal sa Airport Police Department ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon.

Facebook Comments