Kongresista, inirekomenda sa OCD Head na mag-isip ng ibang daanan ng tubig mula sa mga dam

Iminungkahi ni Baguio City Rep. Mark Go sa Office of Civil Defense (OCD) na maghanap o gumawa ng ibang sistema na dadaanan ng tubig mula sa mga dam upang maiwasan na ang malawakang pagbaha tulad noong Bagyong Ulysses.

Sa consultation meeting ng House Special Committee on North Luzon Growth Quadrangle, sinabi ni Go na napapanahon ng magkaroon ng ibang daanan ng tubig mula sa mga dam upang hindi ito mapunta sa mga barangay, sinasakahang lupa, at mga kabahayan.

Hindi aniya sapat na aabisuhan lamang palagi ang mga residente na magpapakawala ng tubig ang mga dam at paulit-ulit lamang din ang pinsalang maaaring idulot nito sa mga tao.


Inirekomenda ni Go na pag-aralan ng pamahalaan ang pagkakaroon ng ibang daanan ng tubig tulad ng irigasyon at drainage system na pang long-term ang solusyong maibibigay laban sa matinding pagbaha tuwing may bagyo o malakas na pag-ulan.

Samantala, bukas naman si OCD Region 2 Director Harold Cabreros na pag-aralan ang rekomendasyon ni Go at nakahanda silang ikunsidera ito sa kanilang gagawing wholistic approach.

Facebook Comments