Mag-asawang Mariel at Robin Padilla, namahagi ng bahay sa kanilang mga kasambahay

163

Nagpasalamat ang mga kasambahay ng mag-asawang Mariel at Robin Padilla dahil sa libreng pabahay na handog sa kanila ng mag-asawa.

Kwento ni Mariel sa kanyang YouTube channel, bigong makauwi sa kanilang tahanan ang kanilang mga kasambahay bilang pag-iingat mula nang magka-pandemya.


Pero paliwanag nito, naiintindihan naman ito ng kanilang mga kasambahay bagama’t mahirap ang malayo sa pamilya.

Hindi naman nagdalawang isip ang mag-asawa na handugan ang mga ito ng tahanan bilang sukli na rin sa lahat ng sakripisyo ng mga ito sa kanilang pamilya.

Facebook Comments