Tahasang ipinatitigil ni Deputy Speaker Loren Legarda ang importasyon ng tone-toneladang isda na inaprubahan ni Agriculture Sec. William Dar.
Giit ni Legarda, walang katuturan ang desisyon ni Sec. Dar na mag-angkat ng 60,000 metric tons ng mga isda dahil mistulang pinapatay dito ang pamilya ng mga Pilipinong mangingisda.
Hindi rin aniya makatwiran na gamitin ng DA na batayan sa pag-i-import ng isda ang pinsalang idinulot ng Bagyong Odette sa fishery sector.
Sa data ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), lumilitaw na 14,349 metric tons ng isda pa lang ang naibebenta sa merkado.
Sa 60,000 metrikong tonelada naman na inilaan sa 25 importers, 36,962 metric tons ng isda ang dumating na at nakaimbak ngayon sa mga storage.
Facebook Comments