Oklahoma, isinagawa ang unang U.S. execution ngayong 2022

Isinagawa ng Oklahoma ang pagbitay sa isang lalaki na may kasong double murder sa pamamagitan ng lethal injection.

Ito ang kauna-unahang prisoner na hinatulan ng kamatayan sa United States ngayong taon.

Ayon kay Oklahoma Attorney General John O’Connor, isinagawa nang walang komplikasyon ang southern state’s execution kay Donald Grant.


Taong 2001 nang magnakaw si Grant sa isang hotel para ipangpiyansa sa kanyang nobyang nakakulong.

Nasawi ang dalawang empleyado ng hotel matapos nitong pagbabarilin at pagsasaksakin.

Dahil dito ay nahatulan si Grant ng kamatayan noong 2005.

Facebook Comments