Kongresista, maghahain ng panukala para proteksyunan ang mga national heritage

Manila, Philippines – Maghahain si House Deputy Speaker Pia Cayetano ng panukala para sa pagbibigay ng proteksyon sa mga national heritage sites sa bansa.

Ito ay kasunod ng ginawang pagpabor ng Korte Suprema sa pagpapatuloy ng pagtatayo ng pambansang photo bomber na Torre de Manila.

Kasabay nito ay tinuligsa din ni Cayetano ang pagpabor ng Supreme Court sa Torre de Manila.


Nakakalungkot aniya na inaalis at nababastos ng ginawang desisyon ng SC ang kasagraduhan ng kasaysayan sa Luneta Park kung saan naroon ang bantayog ng Pambansang Bayani na so Dr. Jose Rizal.

Dahil dito, tiniyak ni Cayetano ang paghahain ng panukala na magbibigay proteksyon sa mga national heritage ng bansa upang hindi na maulit ang nangyaring pagtatayo ng Torre de Manila.

Sa ngayon ay hindi pa nababasa ni Cayetano ang desisyon ng SC at nais niyang pag-aralan ang naging batayan para payagan ang pagtatayo ng condominium na kanyang pagbabasehan ng ihahaing panukala.
DZXL558

Facebook Comments