Kongresista, maghahain ng petisyon vs. Martial law

Manila, Philippines – Kukwestyunin ni Akbayan Rep. Tom Villarin sa Korte Suprema ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao.

Pagtitiyak ni Villarin, sa susunod na Linggo nila ihahain ang petisyon sa Supreme Court kasama ang ibang mga petitioners sa Marawi City.

Giit ng kongresista, walang matibay na basehan ng rebellion at invasion para magdeklara ng batas militar sa buong Mindanao.


Bukod dito, ang lahat din ng impormasyon na inihayag kahapon ng mga executive officials sa isinagawang executive session ay alam ng lahat at hindi maituturing na confidential.

Sa pagdedeklara ng martial law, ipinapakita lamang na walang malinaw na plano ang pamahalaan kung paano sosolusyunan ang problema sa terorismo sa Mindanao.

Bukod sa martial law, kasabay nilang kukwestyunin ang hindi pag-convene ng Kongreso sa joint session dahil ito ay labag sa Saligang Batas.
DZXL558

Facebook Comments