PNP, naalarma dahil sa pagdating ng maraming kalalakihan mula sa Marawi City

Pagadian, Philippines – Ikinagulat at naalarma ang lungsod ng Pagadian dahil sa pagdating ng isang dumptruck na lulan ang mahigit dalawangput tatlong mga kalalakihan mula sa siyudad ng Marawi.

Sa panayam ng RMN DXPR Pagadian kay Barangay Chairman Diosdado Delapena ng Barangay Balintawak na isang dumptruck ang dumating sa Regional Center ng siyudad na sakay ang di-baba sa limamput anim na mga kalalakihan ng walang pahintulot mula sa Barangay.

Agad namang nakaresponde ang mga kasapi ng PNP Pagadian kasama ang militar sa lugar upang kompermahin ang nasabing report at napag-alamang dalawamput tatlo nito mula sa Marawi City at mayroon pang mga menor de edad.


Ang nasabing mga kalakihan ay napag-alamang mga construction worker ng Genetian Builders at may proyekto itong ginagawa sa Regional Center ng siyudad.

Sa ngayon, dinala na sa himpilan ng pulisya ang mga kalalakihan mula sa Marawi City upang isailalim sa profiling at pagberipika sa mga dokumento, habang sinusuri na ngayon ng pulisya at militar ang tinitirhan ng isang ISIS na kasama sa nga napatay sa Marawi City na si Abu Daruz.
DZXL558

Facebook Comments