Kongresista, may babala sa mga lumalabas na surveys

Manila, Philippines – Hinimok ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe ang publiko na huwag masyadong dumepende sa mga lumalabas na resulta ng survey.

Ito ay matapos lumabas ang resulta kamakailan na mataas ang porsyento ng mga Pilipino na naniniwalang nagsisinungaling ang mga pulis kag sinasabing nanlaban ang isang drug suspect na nasa 37%, 45% naman ang hindi makapagdesisyon, habang 17% lamang ang naniniwala na nagsasabi ng katotohanan ang mga pulis.

Ayon ka Batocabe, entitled sa kanya-kanyang opinyon ang mga tao oero nakakadagdag lamang sa kalituhan ang mga lumalabas na survey.


Aniya, kung marami ang naniniwala na hindi nagsasabi ng totoo sa war on drugs ang mga pulis, hindi naman nangangahulugan na ayaw ng mga tao sa kampanya ng gobyerno sa iligal na droga.

Dagdag pa nito, ang mga lumalabas na opinyon, surveys, at iba pang posisyon mula sa publiko, media, at mga kritiko ay nagdudulot lamang ng pagkalito sa mamamayan sa kung sino ba ang dapat paniwalaan.

Facebook Comments