Sangkot sa pagpatay sa negosyante at junket operator na si Carlos Tan, kinilala na

Manila, Philippines – Kinilala ni PNP Anti-Kidnapping Group Chief, Police Sr. Supt Glenn Dumlao ang police officer na lider ng kidnap for ransom group na dumukot at pumatay sa negosyante at junket operator na si Carlos Tan.

Ito ay si Supt. Johnny Orme kasalukuyang nasa holding unit ng Southern Police District.

Nasa district holding unit ng SPD ang opisyal matapos ang masangkot sa maanomalyang buy bust operation sa Batangas noong sya ay intelligence officer pa ng Parañaque PNP.


Bago ito, naitalaga rin sya Maritime group at dito nya na nakilala si Alex Gozum nagsisilbing financier, abductor at tipster ng Kidnap for Ransom group.

Na-recruit ni Supt. Orme sina PO3 Rodel Estonactoc, PO1 Ramil Espejo at PO1 Rolando Albios na nasawi sa noong Byernes sa isinagawang operasyon ng PNP AKG kasama ang isa pang Erwin Escobido na nagsisilbing personal driver ni Gozum.

Habang kusang loob na sumuko si SPO1 Benjamin Pagarigan at naaresto si PO3 Arman Labrador.

Patuloy na pinaghahanap sina Supt. Orme at Gozum.

Si Carlos Tan ay dinukot at pinatay ng mga kidnaper na pulis noong October 21, 2017.

Facebook Comments