Kongresista mula Mindanao isinusulong ang Anti-Discrimination Bill

Patuloy na isinusulong ni Anak Mindanao Representative Amihilda Sangcopan ang pagpasa ng Anti- Discrimantion Bill.
Layunin ng batas na ito ay para ipadama ang pagkakapantay- pantay sa dangal at karapatan ng bawat isa at matanggal na ang deskriminasyon sa pagbibigay ng serbisyo sa komunidad, paaralan, sa trabaho at sa lahat ng bagay na nakakaapekto sa pang araw -araw na pamumuhay ng bawat tao mapa ano mang tribo o relihiyon giit pa ni Congresswoman Sangcopan.

Umaasa rin ang kongresista na sa pamamagitan ng batas na ito ay tuluyang matutuldukan na ang diskriminasyon sa bansa , maging ang pangungutya at maparusahan ang mga lalabag dito.

Sinasabing kabilang sa laging naapektuhan sa usaping diskriminasyon ay ang Bangsamoro dagdag pa ni Congresswoman Sangcopan. Nakakalungkot aniyang isipin na pagsinabing Moro ay agad nang nakadikit ang mga salitang hindi maganda.


Umaasa naman ang kongresista na tuluyang maipasa na ang nasabing batas bago paman magtapos ang 17th Congress.
google pic

Facebook Comments