Kongresista, nababahala na umabuso ang militar kapag pinalawig ang martial law

*Manila, Philippines – *Sa kabila ng desisyon na naaayon sa Konstitusyon ang batas militar, nababahala naman ang ilang mambabatas na baka umabuso naman ang militar sa hiling na pagpapalawig pa dito.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, daig pa ngayon na nasa kamao ng de facto military junta ang bansa dahil sa desisyon ng Korte Suprema.

Nababahala si Zarate na ngayong kakampi ng militar ang Supreme Court ay maaaring magmalabis ang mga ito sa kapangyarihan kasabay pa ng binabalak na pagsusumite ng hiling na palawigin ang batas militar.


Iginiit ng mambabatas na posibleng maging target na rin ng militar ang mg sibilyan at organisasyon na may simpatya sa ibang rebeldeng grupo tulad ng CPP-NPA-NDF.

Dahil dito, hinimok na lamang nito ang publiko na bantayang mabuti ang galaw ng militar at igiit palagi ang karapatan lalo na ng mga sibilyan.

Facebook Comments