Kongresista, nagbabala sa pananabotahe na ginagawa ng Busan Universal Rail Inc. (BURI)

Manila, Philippines – Inaakusahan ng panggigipit at harassment ng isang kongresista ang Busan Universal Rail Inc. o BURI dahil sa pagsasampa ng graft case laban kay Transportation Usec. Cesar Chavez.

Ayon kay PBA PL Rep. Jericho Nograles, desperado na ang BURI sa ginawang pagsasampa ng kaso kay Usec. Chavez para maisalba ang maanomalyang kontrata sa maintenance service ng MRT 3 na aabot ng 3.8 Billion.

Ang kaso laban kay Chavez ay kaugnay naman sa planong pagkansela ng kontrata ng pamahalaan sa BURI.


Dahil sa ginawa ng BURI, mas lalo aniyang dapat nang ipatupad ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang full termination ng nasabing kontrata.

Inirekomenda ng kongresista na kasuhan din ng plunder ang pamunuan ng BURI kasama ang mga dating transportation officials.

Hinikayat din nito ang DOTr na pansamantalang kunin ang serbisyo ng maintenance service provider ng LRTA na hindi hamak na mas maayos magtrabaho.

Ginawa ng kongresista ang babala sa harap na rin ng sunod-sunod na aberya sa MRT.

Facebook Comments