Kongresista, nagmakaawa na tigilan na ang away para sa 2019 national budget

Nagmamakaawa si COOP-NATCCO Party-List Rep. Anthony Bravo na tigilan na sana ni Senator Panfilo Lacson kung may personal man itong away kay speaker Gloria Arroyo.

 

Giit ni Bravo, huwag na maging daan pa ang personal na awayan para hindi maaprubahan ang budget na dagdag pahirap pa sa mga kababayan.

 

Sinabi ng mambabatas, na ayos lang naman ang kritisismo kay Speaker Arroyo dahil ‘subject to criticism’ naman ang public official.


 

Samantala, tinawag naman ni Deputy Speaker Prospero Pichay na ‘personal vendetta’ na ni Lacson ang pag-puntirya nito kay Arroyo dahilan kaya naiipit ang 2019 budget.

 

Sinabi ni Pichay na buong Kongreso ang nagpasya sa budget at hindi lamang si Arroyo.

 

Hindi aniya dapat pinapakialaman ng mga senador ang itemization ng Kamara dahil sila rin naman ay may isinagawang Lump Sum Itemization na napag-usapan na sa Bicameral Conference Committee.

Facebook Comments