Pitong Chinese na sangkit sa pagkidnap sa kanilang mga kababayan sa Pilipinas, naaresto ng NBI

Iniharap sa media ng NBI ang pitong Chinese Nationals na itinuturong dumukot sa mga kapwa nila Chinese na hindi nakakabayad sa mga utang sa casino.

 

Magkakasunod na naaresto sa Pasay at ParaƱaque ang mga suspek na sina Lou Gen Jin, Cheng Yigou, Liu Shenghui , Deng Shuijin , Xiong Jinxiang , Xiong Jongpeng at Xiong Jilong.

 

Inaresto ang mga dayuhang suspek base sa sumbong ng Chinese na si Jian Shi Lun na kapatid ng kidnap-victim si Jian Shi Xin.


 

Nabatid na dinukotĀ  ng mga suspek ang biktima sa Okada Manila sa ParaƱaque at saka ikinulong iligal sa isang condominium unit sa Maynila.

 

Pinatawag pa ng mga suspek ang biktima sa kanyang mga kaanak para sa ransom money na P200,000 kaya nagpadala ng pera ang kaanak sa online money transfer.

 

Kinasuhan na ang mga suspek ng serious illegal detention at kidnapping sa Pasay City Prosecutors Office.

Facebook Comments