Kongresista, nanawagan na limitahan lamang para sa essentials ang paglabas ng senior citizens

Welcome para kay Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang pagpayag na makalabas na muli ang mga matatanda na edad 60 hanggang 65 taong gulang.

Pero inirekomenda ni Ordanes na limitahan pa rin ang paglabas ng mga matatanda sa mga essential na bagay tulad ng pagbili ng gamot, pagkain at pagdalo sa religious gathering.

Pinaalalahanan din ng kongresista ang mga senior citizens ng pagsusuot ng face mask at face shield, pagsunod sa physical distancing ng isang metro, pagdadala ng alcohol o sanitizer at iba pang pag-iingat para hindi mahawahan ang mga ito tuwing lalabas ng bahay.


Hindi pa rin aniya dapat pumunta sa mga sinehan o mamasyal sa mall ang mga matatanda dahil enclosed spaces ang mga ito.

Sinabi ni Ordanes na karamihan ng mga nasawi sa COVID-19 ay mga matatanda na may mahinang resistensya kaya dapat pa ring mag-ingat ng husto kahit pinapayagan na muli silang lumabas ng tahanan.

Facebook Comments