Kongresista, nanawagan sa mga school administrators na samantalahing i-disinfect ang mga paaralan

Umapela si Quezon City Rep. Alfred Vargas sa mga school administrators na samantalahin ang pagkakataon para i-disinfect ang mga eskwelahan matapos na palawigin ang suspensyon ng klase hanggang April 12.

Ayon sa kongresista, mainam na gamitin ang pagkakataon na walang pasok para isailalim sa disinfection ang mga paaralan sa Metro Manila.

Suportado rin ng mambabatas ang suspension ng graduation at moving up bilang dagdag na pag-iingat sa pag-iwas sa virus.


Hinikayat din ni Vargas ang mga magulang na ingatan ang mga anak habang may banta pa ng COVID-19.

Pinatututukan din ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral para hindi mapabayaan.

Facebook Comments