Nanindigan si Deputy Speaker Henry Oaminal na negatibo siya sa COVID-19 sa unang araw ng sesyon kahapon kumpara sa lumabas na ulat na nagpositibo siya sa sakit nitong Linggo.
Aminado ang kongresista na nagpositibo siya sa virus noong May 16 at dumaan naman siya sa mahabang panahon ng quarantine at isolation.
Nauna na rin aniya siyang dumaan sa serye ng RT-PCR test at rapid antigen tests at negatibo na ang lumalabas dito.
Nito lamang June 2 ay nakumpleto na ni Oaminal ang second dose ng kaniyang bakuna.
Kahapon aniya ay mahigpit siyang sumunod sa health protocols ng Kamara kung saan isinumite niya ang dalawa sa kaniyang negative RT-PCR result na ang isa ay nakuha niya ng umaga ng July 26.
Negatibo rin siya sa antigen test kasabay ang pagsusumite niya ng kopya ng vaccination card.
Kaugnay naman sa State of the Nation Address (SONA) ay virtually na lamang siyang dumalo bilang pag-i-ingat dahil sa nauna siyang nagkasakit nitong Mayo.