Manila, Philippines -Inuudyukan ngayon ni Surigao del Norte Rep. Robert Barbers ang pwersa ng gobyerno na ibigay ang gustong gyera ng mga terorista.
Ito ay matapos ideklara ng Pangulo ang martial law sa Mindanao kasunod ng pag-atake ng Maute group sa Marawi City.
Iginiit ni Barbers na wala ng excuse sa ginawa ng Maute group at dapat na gyerahin na ang mga ito.
Hindi na aniya dapat hayaan na madagdagan pa ang mamatay at dumami pa ang mapinsala dahil sa mga pananakot at pagatake ng mga teroristang grupo sa bansa.
Sinabi pa ni Barbers na sa pagkakataong ito ay dapat maging proactive ang mga otoridad at huwag hayaang lumawak pa ang grupo at lalo pang makapinsala.
DZXL558, Conde Batac
Facebook Comments