Kongresista, pinawi ang pangamba ng publiko sa reporma sa pagbubuwis

Manila, Philippines – Pinapayapa ni Albay Rep. Joey Salceda ang publiko sa tax reform package ng Duterte administration.

Ayon kay Salceda, walang dapat katakutan ang publiko sa tax reform dahil hindi ito magdudulot ng matinding pahirap tulad ng iniisip ng marami.

Sa halip aniya ay magpapatatag pa ito ng katayuang pinansiyal ng bansa na pakikinabangan din sa huli ng taumbayan.


Giit ni Salceda, ang mabibigat na probisyon nito ay mas direktang tatama sa top 1 percent ng populasyon ng mga pilipino kagaya ng dagdag na buwis sa produktong petrolyo at sa mga bagong sasakyan.

Ang tax reform na ito ay magiging susi din para mas tumaas pa ang credit rating ng bansa na magbibigay daan naman para dumami ang papasok na investment dito.

Paliwanag pa ni Salceda, ang initial shock na dulot ng implementasyon ng refporma sa pagbubuwis ay masasalag ng ibibigay na tulong ng gobyerno sa pinakamahihirap na pamilya tulad ng ipapamahaging social benefit card.

Ang social benefit card ay maaaring gamitin lalo na ng mga mahihirap sa pag-avail ng diskwento sa mga produkto at serbisyo kaya hindi negatibo ang hatid ng nasabing reporm sa pagbubuwis.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments