Kongresista, pinuri ang AFP at PNP sa pagkaka-aresto sa mga pinaghihinalaang NPA

Pinuri ni Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagkakadakip sa dalawang pinaghihinalaang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Atimonan, Quezon.

Nahuli ng mga militar at pulis ang dalawang suspected NPA rebels sa bahay mismo ng Board Member ng ika-4 na Distrito ng Quezon na si Rhodora “Dhoray” Blas Tan.

Naniniwala si Tan na ang pagkaka-aresto sa dalawang high-ranking rebel leaders ng NPA sa Quezon ay pagpapakita na ang ating mga uniformed personnel ay nagsusumikap na mapanatiling ligtas ang bansa sa kabila ng banta ng pandemya at pagdiriwang ng holidays.


Umaapela rin ang lady solon sa AFP at PNP na paimbestigahan agad ang posibleng pagkakasangkot sa NPA at krimen ng board member matapos na makumpiska sa mga suspek ang mga high powered ammunitions na nagtatago sa kanyang bahay.

Agad namang nilinaw ng Chairman ng Committee on Health na bagama’t pareho sila ng apelyido ay wala siyang family relation o kaugnayan sa nasabing board member.

Bukod dito, magkaiba rin sila ng political parties kung saan si Cong. Tan ay mula sa Nationalist People’s Coalition (NPC) habang si Dhoray Tan ay kabilang sa Nationalista Party at malapit na kaalyado ni Quezon Governor Danilo Suarez.

Facebook Comments