KONGRESISTA SA IKALAWANG DISTRITO NG PANGASINAN, UMAPELA SA MABABANG ALOKASYON NG BUDGET NG DISTRITO

Umapela si 2nd District Representative Mark Cojuangco sa naganap na North Luzon Growth Quadrangle Committee Meeting kaugnay sa mababang alokasyon ng budget ng ikalawang distrito ng Pangasinan mula sa Department of Agriculture (DA).
Kakarampot umano ang alokasyon ng budget sa kanyang nasasakupan kumpara sa mga ibang distrito sa ilang bahagi sa rehiyon na may average o sapat na budget para sa kanilang mga pinamumunuan para maisakatuparan ang ilang mga programa at proyekto.
Direkta itong umapela kay Undersecretary Domingo Panganiban para i-konsidera muli umano ang alokasyon ng ahensyang Kagawaran ng Agrikultura para sa ikalawang distrito.

Iminungkahi rin nito ang suporta mula sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization PhilMech para sana umano sa mga maaaring maibigay na planting machineries para sa mga magsasaka ng nasabing distrito.
Dagdag pa nito ang pagtalakay sa mga pros and cons sa pagpapagawa ng mga industrial drying facilities at ang pinaplanong big dryers para sa mga posibilidad na pagsasakatuparan ng mga nito. | ifmnews
Facebook Comments