Kongresista, tutol sa terminasyon ng operasyon at pagdedeklarang iligal ang mga motorcycle taxis, Iligal na habal-habal posibleng dumami

Tinututulan ni PBA Partylist Representative Jericho Nograles ang pagpapatigil sa operasyon at pagdedeklara na iligal simula sa susunod na Linggo ang mga motorcycle taxis.

Kinwestyon ni Nograles ang hakbang ng technical working group ng Department of Transportation partikular na sa kung ano ang ipapalit sa Angkas, MoveIt at sa Joyride kung tuluyan na aalisin na ito.

Nabahahala ang kongresista na posibleng dumami ang habal-habal na hindi regulated at walang katiyakan na ligtas ang mga commuters.


Sa halip aniya na tuluyang i-terminate ay dapat na pahabain ang trial and debate sa mga motorcycle taxis at hindi ang agarang termination ng operasyon nito.

Umaasa naman si Nograles na mas mapag-aaralan pa ang hakbang ng DOTR- TWG sa gagawing hearing sa susunod na araw para malinawan sa epekto ng desisyon ng pamahalaan.

Inaprubahan sa Kamara sa nagdaang kongreso ang motorcycle for hire sa ilalim ng amendments ng Republic Act 4136 subalit hindi ito na-aprubahan noon sa Senado dahil sa kakapusan sa panahon.

Facebook Comments