Humihingi na ng saklolo para sa dagdag na bakuna sa Bicol Region si Albay Rep. Joey Salceda.
Muling umapela para sa dagdag na suplay ng bakuna sa Bicol si Salceda dahil 10% pa lamang ng kabuuang populasyon ang nababakunahan ng COVID-19 vaccine na isa sa pinakamababa sa bansa.
Kailangan na aniya nila ng tulong dahil ang kawalan ng bakuna ay maaaring maging banta at magpahina sa COVID response sa lugar.
Aniya pa, isa ang COVID-19 response sa ikalawang distrito ng Albay ang pinuri at kinilala ng Department of Health (DOH) at ng ibang grupo na model na siyang dapat sundin ng ibang lokal na pamahalaan ngunit kung kapos naman sa bakuna ay balewala rin ito.
Ikinumpara ng kongresista ang nangyari sa Vietnam na pinuri sa buong mundo dahil sa husay ng kanilang minimum health standards at non-pharmaceutical interventions ngunit ngayon ay itinuturing na pinakamalala ang “surges” ng COVID-19 cases dahil sa kawalan ng bakuna.