Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na kailangang kumilos ang Kongreso para amiyendahan ang proseso na ipinatutupad ng Commission on Audit o COA para sa mabilis na pagusad ng mga proyekto ng Pamahalaan.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kung sadyang mabagal ang pagusad ng mga government projects dahil sa sinusunod na proseso ng COA ay talagang kailangang amiyendahan ang mga probisyon ng umiiral na batas.
Pero habang hindi aniya ito nagagawa ay maaari namang maging maluwag ang COA sa kanilang mga sinusunod na panuntunan tulad ng pagpapaikli ng araw para sa bidding at maaari din naman aniyang bawasan ang napakaraming requirement para sa mga proyekto sa gobyerno.
Pero binigyang diin ni Panelo na ang mga pahayag ni Pangulong Duterte dito ay hindi pagbabanta kundi resulta lamang ng kanyang pagkainis.