Manila, Philippines – Hindi na kakailanganin na magconvene ang Kongreso kaugnay sa idineklarang martial law sa Mindanao.
Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas naisumite na kagabi ang report mula sa Malacañang na nagdedeklara ng martial law sa nasabibg rehiyon.
Dahil hindi personal ang pagsusumite ng Pangulo, hindi na aniya nilang kailangang magconvene para tanggapin ang report.
Una ng sinabihan ng liderato ng Kamara na huwag munang umuwi sa kanilang mga distrito at manatili sa Maynila sakaling kailanganin nilang magconvene ngayong araw o sa Biyernes.
Samantala, posibleng sa susunod na linggo na mapagbotohan ang panukala kaugnay sa isinusulong na tax reform package ng Duterte Administration.
Kahapon sana ang target na maaprubahan ito sa second reading pero hindi ito natuloy.
DZXL558, Conde Batac