
Binigyang-diin ni House of Representatives Spokesperson Atty. Princess Abante na mula noong 2018 ay mayroong pondo para sa rehabilitasyon at maintenance ng San Juanico Bridge.
Ayon kay Abante, bahagi ng adbokasiya ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na magkaroon ng tuloy-tuloy na pondo ang mga programa at proyekto kasama ang pagmentina at rehablitasyon ng San Juanico Bridge.
Tugon ito ni Abante sa patutsada ni Senator Imee Marcos na pang-pintura lamang ang halagang inilaan para sa San Juanico Bridge.
Bunsod nito ay tahasan namang tinanong ni Abante si Sen. Marcos kung ano ang naging ambag nito sa rehabilitasyon ng San Juanico Bridge bilang senador na may tungkulin na ayusin ang budget ng bansa.
Facebook Comments









