Kongreso, may kapangyarihang i-extend ang bisa ng House Bill 6732 na naglalayong makapag-broadcast ang ABS-CBN ng limang buwan

Posibleng ma-extend pa ang House Bill 6732 o pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN na makapag-broadcast ng limang buwan.

Sa interview ng RMN Manila, inihayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na kung mabibigong matapos ng Kongreso hanggang sa October 31, 2020 ang nakabinbin renewal of franchise ng ABS-CBN ay maaari pa ring i-extend ang House Bill 6732.

Paglilinaw ni Drilon, hindi provisional kundi prangkisa hanggang limang buwan ang House Bill 6732 at may kapangyarihan ang Kongreso na i-extend ito hanggang sa 20 years batay sa batas.


Kahapon ay binawi sa second reading sa Kamara ang House Bill 6732 matapos na kwestyunin makaraang ipasa sa first at second reading ng parehas na araw.

Sinabi ni Drilon na ngayong araw ay posibleng ipasa ng Kamara sa second reading ang House Bill 6732 at posibleng sa susunod na linggo ay hawak na ito ng Senado.

Facebook Comments