Nagsasagawa ngayon ng online survey ang Kongreso kaugnay ng same-sex unions.
Sa poll na naka-post sa official website ng House of representatives, pinapipili ang mga respondent kung pabor, hindi pabor. o undecided sa pagsasa-ligal ng same-sex unions as civil partnership.
Sa oras na ito, nasa 238K na ang mga nakapagsumite ng boto, kung saan 52% dito ay pabor at 48% naman ang hindi sang-ayon.
Nagsimula ang poll ilang araw lang matapos maging ligal ang same-sex marriage sa Taiwan.
Nauna nang naghain ng petisyon si Atty. Jesus Falcis III noong 2015, na isawalang-bisa ang Articles 1 at 2 sa The Family Code of the Philippines na naglilimita sa kasal sa pagitan ng babae at lalaki.
Nakaraang taon ginanap ang oral argument ng nasabing petisyon at doon kinatwiran ni Solicitor General Jose Calida na maaaring magsama ang same-sex couples pero hindi papayagan ng Constitution ang same-sex marriage.