Kongreso, naglaan ng bilyong pisong pondo para sa smart campuses at password-free internet sa mga SUCs

Naglaan ang Kongreso ng malaking pondo para sa “smart campuses” at sa password-free internet sa mga State Universities and Colleges (SUCs)

Ayon kay House Committee on Appropriations Vice Chairman Luis Campos, nagbigay sila ng ₱3.3 billion na alokasyon para sa “smart campuses” ng 112 SUCS na magpapabilis sa integration at pagkatuto gamit ang digital technologies gayundin sa mga administrative systems.

Sa pamamagitan ng “smart campuses” ay maaaring makapag-aral ang isang college student na hindi na kinakailangang personal na dumalo sa klase.


Gamit din ang kanilang mga smartphones at gadgets ay maaari nang ma-access ng mga estudyante ang kanilang mga grades, magbayad ng campus meals at manghiram ng libro sa library.

Bukod sa mahigit tatlong bilyong piso ay nakapaloob din sa 2021 National Expenditure Program ang ₱309 million ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na igugugol naman para sa upgrade ng password-free Internet networks sa mga SUCs.

Mababatid na inamin ng Commission on Higher Education (CHED) na 20% lang ng mga SUCs sa buong bansa ang equipped at handang magsagawa ng online classes ngayong taon.

Facebook Comments