Kongretong plano para sa pagtugon sa pandemya, ipinanawagan ng grupo ng mga doktor

Umapela ang samahan ng mga doktor sa gobyerno na magpatupad ng mas kongretong plano sa pagtugon sa pandemya kasunod ng pagdami ng mga na-o-ospital dahil sa COVID-19.

Ayon kay Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) Lead Convenor Dr. Antonio Dans, nagiging malala na ang sitwasyon ng mga hospital sa bansa partikular sa mga probinsya na nagiging limitado na ang kanilang kapasidad.

Aniya, hindi sila nag-de-demand dahil nais lamang nila na tuparin ng pamahalaan ang kanilang pangako.


Kasabay nito, humingi ang grupo ng pasensya sa publiko kung marami ng mga hospital ang hindi na tumatanggap ng COVID-19 patients.

Tiniyak din ng HPAAC na patuloy nilang gagawin ang kanilang tungkulin sa kabila ng kabiguan na maibigay ang kanilang mga benepisyo.

Facebook Comments