Konkretong Bahay, Tinupok ng Apoy sa Cauayan City, Isabela!

204

*Cauayan City, Isabela- *Tinupok na ng apoy ang isang konkretong bahay sa naganap na sunog pasado alas tres kaninang madaling araw sa brgy Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima at may-ari ng bahay na si ginoong Noneto Raguine, 59 anyos, byudo, negosyante at residente ng nasabing barangay.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Fire Officer 1 Melvin Malicad, Arson case investigator ng BFP Cauayan City, electrical short circuit sa ilaw ang sanhi ng sunog na nagsimula umano sa sala at mabilis na kumalat sa kusina ng bahay.

Aniya, nasa mahigit kumulang na limang daang libong piso ang halaga ng napinsala ng sunog at wala naman umanong nasaktan o nasugatan sa nasabing sunog.

Naapula umano ang sunog bandang 4:45 ng umaga sa tulong na rin ng Rescue 922.

Facebook Comments