KONKRETONG EBIDENSIYANG MAGPAPATUNAY NG VOTE BUYING, IPINANAWAGANG SA PUBLIKO BAGO MAGREKLAMO AYON SA COMELEC

Aminado ang tanggapan ng Commission on Elections o COMELEC na hindi na umano bago na tuwing sasapit ang eleksyon ay talamak ang usapin at nagaganap na vote buying o selling ng ilang kandidato sa mga ilang residente.

Saad ni Urdaneta COMELEC Officer, Atty. Nathaniel Siaden, bagama’t marami ang dumudulog at nagtutungo sa kanilang tanggapan upang iparating ng kanilang hinaing ukol sa naturang usapin at problema ay wala naman umanong matibay at sapat na ebidensyang maipakita ang mismong mga nagrereklamo.

Karamihan pa umano sa mga nagrereklamo ay mula sa mga text messages o maging sa social medias ngunit ayon kay Siaden na napaka importante ang mga ebidensyang maipi-presenta kahit ito man ay larawan o videos bilang suporta sa ilang mga akusasyon.

Paliwanag nito na hindi tinatanggap sa korte ang lahat ng nakikita, nalalaman o naririnig ngunit ang matibay na ebidensya ang laging hinahanap ng hukom upang tumayo ang isang kaso.

Sa ngayon aniya ay sa hindi pa pormal na nag uumpisa ang campaign period at hindi ito sakop ng premature campaigning kaya hindi nila sakop ng COMELEC ang pag pagbabawal at patawan ng election offense ang ilang aktibidad ng mga political aspirants. | ifmnews

Facebook Comments