Pagtatayo ng Malasakit Centers, magpapatuloy sinuman ang maging susunod na pangulo dahil iniuutos ng batas

Tiniyak ni Sen. Christopher Bong Go, na kahit sinuman ang susunod na pangulo ay maipagpatuloy at mabigyan ng kaukulang suporta ang Malasakit Centers na nakakatulong sa mga mahihirap lalo na ‘yung mga walang matatakbuhan.

Ayon kay Go, institutionalized o nakapaloob sa Malasakit Centers Act of 2019 ang Malasakit Centers program na kanyang pangunahing isinulong pag-upo bilang Senador para masigurong mananatili kahit matapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Go, na ang pagkilala sa maraming tulong na naipagkaloob ng Malasakit Centers program ay pagkilala din sa mga magagandang nagawa ng Duterte administration.


Tugon ito ni Go, ng hingan ng reaksyon sa sinabi ni VP Leni Robredo na ipagpapatuloy at papahusayin pa niya ang Malasakit Centers project sakaling mahalal na pangulo.

Binigyang diin ni Go na Anuman ang kulay-pulitika, ay dapat sikaping maipalapit sa tao ang serbisyo mula sa gobyerno lalo na pagdating sa kalusugan na napakaimportante ngayong nasa gitna tayo ng pandemya.

Facebook Comments