Quiapo, Maynila – Bumwelta ang isa sa mga konsehal ng Maynila na inuugnay sa tinatawag na mafia sa loob ng Quinta market sa Quiapo, Maynila.
Ayon kay 3rd District Councilor Maria Asuncion Refugoso na walang katotohanan ang alegasyon sa kanila ng United Vendors Alliance ng Quiapo, Maynila.
Bwelta nito, sila pa nga ang dumidipensa sa kasunduan sa pagitan ng pamahalaang lungsod ng Maynila at ng developer ng Quinta market na market life kung saan nilalabag umano ng naturang developer ang kasundaan na 2 year moratorium sa pagbabayad ng pwesto.
Aniya, hindi dapat magtaas ng singil sa puwesto ang market life sa mga stall holders pero nagpataw ito ng 300% increase sa stall fee na labag sa nabanggit na kasunduan.
Palilinaw naman ni Fugoso hinggil sa isyu na hindi makapuwesto sa loob ng Quinta Market ang mga nauna nang napangakuan na vendors, kailangan aniya ng bayad ng ang mga ito sa tax at sa mayors permit bago magkapwesto sa loob.
Nilinaw din ng konsehala na ang tanging hangarin niya lang sa isyu na ito ay ang masunod ang kasunduan ng lungsod para sa kapakanan ng publiko.