Pumanaw na ang konsehal ng Tayasan, Negros Oriental na tinamaan ng COVID-19.
Pasado alas 11:00 kaninang umaga nang binawian ng buhay ang 65-taong gulang na pasyente na siya ring unang Coronavirus Disease patient sa buong Negros Oriental.
Isa sa ikinasawi ng pasyente ay multiple organ complication.
Ike-cremate ngayong araw ang labi ng konsehal.
Samantala, nag-negatibo na sa COVID-19 ang tatlo sa 15 Patients Under Investigation sa Negros Oriental.
Facebook Comments