*Cauayan City, Isabela*- Naninindigan pa rin si City Councilor Rufino Arcega sa kanyang inihaing panukala sa konseho ng Lungsod ng Cauayan na maglilimita sa paggamit ng likido sa pagpuksa sa mga damuhan sa ilang lugar sa Cauayan City.
Una rito, naging tampulan ito ng mahabang diskusyon sa konseho kahapon sa paggamit ng pamatay damo.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Councilor Arcega, binigyan-diin nito na hindi naman ipinagbabawal ang paggamit ng pamatay damo kundi iayos lamang ang paggamit nito dahil possible itong pagmulan ng erosion o pagguho ng mga lupa sa mga bulubunduking lugar sa lungsod.
Hinahamon naman ni Arcega ang mga kumpanyang nagbebenta ng pamatay damo na ipaliwanag ang epekto ng paggamit ng herbicide sa mga sloping area sa lungsod.
Nakatakda namang magsagawa ng public hearing ang konseho sa mga barangay na maaapektuhan sa higit na paggamit ng nasabing pamatay damo.