Konsehal sa Kalinga, Arestado Dahil sa Baril at Droga!

Tabuk City, Kalinga – Arestado ang isang konsehal ng Pasil, Kalinga sa isinagawang Buy Bust Operation pasado alas tres ng madaling araw kahapon nang pinagsanib pwersa ng City Intelligence Banch, Kalinga Drug Enforcement Unit, Tabuk City at Pasil Police Station, PIB kasama ang iba pang mga otoridad ng Kalinga Police Provincial office sa Dagupan, Tabuk City.

 

Kinilala ang konsehal na si Dexter Gayawet Batalao, 31 anyos, Councilor ng Pasil, Kalinga at pansamantalang nakatira sa Sitio Pantal Brookside, Bulanao, Tabuk City.

 

Sa iniulat na impormasyon ni RMN Correspondent Jesie Magiya, Batay sa kanyang pakikipag ugnayan kay PCI Richard Gadingan, PIO at PCR ng PNP kalinga, Natunugan ng suspek ang patibong ng mga pulis kaya’t agad itong tumakbo lulan ang kanyang mitsubishing sasakyan na may plakang MMW 888 patungong Bulanao.


 

Sa tulong naman ng Tabuk City SWAT na nakatalaga sa lugar ay napahinto ang sasakyan ng konsehal hanggang sa lumabas ito sa kanyang sasakyan at kinapkapan ang loob ng kanyang sasakyan at doon narekober ang isang automatic pistol, isang magazine, isang silencer, anim na pirasong bala, pitong caliber ng kwarentay singko at 44 piraso ng bala ng 9 mm samantalang nakuha naman sa kanyang pag-iingat ang isang sachet ng Shabu.

 

Kaugnay nito, isinagawa rin ang Search Warrant sa kanyang tahanan sa bisa ng inihain ni hukom Victor Dalanao ng Second Judicial Region Municipal Trial Circuit in the City, ay nakuha rin sa kanyang bahay ang tatlong sachet ng shabu , live ammunitions at mga drug paraphernalia.

 

Sa ngayon ay temporaryong nakakulong sa Tabuk City Police office ang konsehal na mahaharap sa Kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 o Illegal Possession of Fire Arms and Ammunitions habang hinihintay ngayong araw ang magiging utos ng korte ng Tabuk City.

Facebook Comments