WORLD RECORD | Pinakamahabang pilik-mata sa buong mundo, nasungkit ng isang babae sa China

Shanghai, China – Hawak pa rin ng isang babae sa Shanghai, China ang world record para sa may pinakamahabang eyelashes sa buong mundo!

June 2016 nang unang ma-masungkit ni You Jianxia ang titulo.

May haba lang naman na 12.40 centimeters o 4.88 inches ang kanyang mga pilik-mata!


Nilinaw naman ni Jianxia na completely natural ang paghaba ng kanyang pilik-mata at hindi siya gumagamit ng anumang hair extensions.

Wala rin daw siyang ginagawang special techniques para pahabain ito bukod sa paglilinis niya rito tuwing naghihilamos siya ng mukha.

Facebook Comments