Konsehal, Sinampahan ng 4 counts ng kasong Pagpatay

352

Cauayan City, Isabela- Nasampahan na ng 4 counts ng kasong pagpatay ang Sangguniang Bayan Member ng Amulung, Cagayan na sangkot sa walang-awang pagkitil sa buhay ng apat na dayuhan na kapwa mga ahente ng sasakyan.

Kinilala ang suspek na si SB Joey Bargado at isa pang kasama nito na kinilalang si Jojo Vergara.


Ayon kay PMAJ. Edgar Manuel Jr., hepe ng Amulung Police Station, kasalukuyan pa rin na pinaghahanap ang dalawa pang kasamahan ni Bargardo at Vergara matapos tumakas pagkaraan ng insidente.

Dagdag pa ni Manuel, posibleng tinangay ng dalawa pang suspek ang Toyota Fortuner na may plakang DAJ 7470 na kanilang ginamit sa pagtakas matapos ang nangyaring insidente.

Nabatid na naging daan para makapasok ang mga biktima ay ang nakalagay na ‘FOOD PASS’ sa kanilang sasakyan kung kaya’t hindi na nahirapan ang mga ito na makapasok sa lalawigan sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng mga awtoridad.

Matatandaang napatay ang mga biktima na kinilalang sina Michael Eugine Romero, residente ng Masbate St. Bago Bantay, Quezon City; Christian Kaibigan, residente ng Balintawak, Lipa City, Batangas; Joel Bolado, residente ng Tanguay Loob, Lipa City, Batangas at Rommuel Quinan, na taga Avenue East Rembo, Makati City at Fairview Quezon City.

Nananatili naman sa isang punerarya ang dalawang biktima habang naiuwi na sa kani-kanilang pamilya ang iba.




Facebook Comments